Miami Heat guard pinatawan ng 10-game suspension ng NBA

By Jimmy Tamayo November 11, 2019 - 11:31 AM

Pinatawan ng pamunuan ng NBA ng 10-game suspension without pay ang reserve guard ng Miami Heat na si Dion Waiters.

Bungsod ito ng “conduct detrimental to the team” na ginawa umano ni Waiters na nagsimula sa airplane incident noong Huwebes.

Inanunsyo ng Miami Heat sa isang statement ang suspensyon sa kanilang manlalaro at ang labis na pagkadismaya sa pangyayari.

Aminado ang koponan na hindi ito ang unang pagkakataon na nilabag ni Waiters ang patakaran ng lugar.

Noong isang buwan ay sinuspindi ang Heat guard at pinagmulta ng aabot sa $83,448.

May ulat na sangkot si Waiters sa paggamit ng THC o Tetrahydrocannabinol, isang sangkap na matatagpuan sa marijuana.

TAGS: Dion Waiters, Miami Heat, NBA, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Dion Waiters, Miami Heat, NBA, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.