5 sa 9 na nawawalang mangingisda sa Mindoro natagpuan na

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2019 - 11:24 AM

Natagpuan na ang lima sa siyam na mangingisda na unang napaulat na nawawala sa Maburao, Occidental Mindoro.

Ang mga mangingisda ay sakay ng mga bangkang Marx Man at Ariana-Je nang magkasunod na maglayag noong Nov. 4 at 5 para mangisda sa Mindoro Strait.

Araw ng Sabado, Nov. 9 dapat ay nakabalik na sa laot ang mga mangingisda pero bigo na ang kanilang kaanak na sila ay matawagan.

Sa ikinasang search and rescue operations ng PCG-Occidental Mindoro, nakita na ang limang crew ng FB Marx Man na nagawang makapagkubli sa Paluan, Occidental Mindoro matapos hampasin ng malalaking alon.

Pinaghahanap pa ngayon ang apat na crew ng FB Ariana-Je.

TAGS: mamburao, missing fishermen, Occidental Mindoro, PH news, Philippine breaking news, philippine coast guard, Tagalog breaking news, tagalog news website, mamburao, missing fishermen, Occidental Mindoro, PH news, Philippine breaking news, philippine coast guard, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.