Mahigit 200 estudyante sa tatlong paaralan sa Taal Volcano Island, iminungkahing ilikas

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2019 - 10:48 AM

Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kay Governor Hermilando Mandanas ang pansamantalang relokasyon ng mga mag-aaral sa tatlong elementary schools sa Taal Volcano Island.

Ito ay dahil nakataas pa rin ang alert level 1 sa Taal Volcano at araw-araw na nakapagtatala ng volcanic earthquakes.

Noong November 4, dalawa sa volcanic earthquakes ay may lakas na Intensity 1 at 2 at naramdaman sa Barangay Alas-as sa Bayan ng San Nicolas, at Barangay Tibag at Barangay Pira-Piraso sa Bayan ng Talisay.

Kabilang sa iminungkahi na ilipat ang nasa 218 na mag-aaral mula sa Calawit Elementary School, Pulo Elementary School, at San Nicolas Elementary School.

Ayon naman kay Mandanas, tatalakayin ang panukala at ang contingency plans ng pamahalaang panlalawigan sa isang emergency meeting sa sunod na linggo kasama ang mga opisyal at tauhan ng PHIVOLCS, Batangas PDRRMO, Provincial Engineer’s Office, Provincial Information Office, Municipal Governments ng Balete, Talisay at San Nicolas sa DREAM Zone, Capitol Site, at Batangas City.

TAGS: PH news, Philippine breaking news, Taal Batangas, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, PH news, Philippine breaking news, Taal Batangas, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.