Buwis sa maalat na pagkain dapat pag-aralan munang mabuti – Rep. Quimbo
Iginiit Marikina Rep. Stella Quimbo na kailangang pag aralang mabuti ang nais ng Department of Health (DOH) na pagpapataw ng buwis sa mga pagkaing may mataas na salt content.
Ayon kay Quimbo na isa ring ekonomista, ang mga mahihirap ang direktang tatamaan kung kung tuluyang magkakaroon ng mataas na buwis sa mga maaalat na pagkain.
Sinabi pa ni Quimbo na kung health concerns ang paguusapan tulad ng depensa DOH na mataas ang bilang ng mga Pilipinong namamatay sa non-communicable disease (NCDs) tulad ng hypertension at heart disease dahil sa unhealthy diet at mataas na salt intake, lumalabas na ang mga mayayaman ang may mataas na incidence rate na nasa 17.2% habang ang mga mahihirap ay nasa 3.7% lamang.
Ang mataas din na salt intake ng mga mayayaman ay galing sa processed meat na kasama sa malaking porsyento ng kanilang food budget.
Kung pati ang mga sardinas, daing, instant noodles at iba pa na madalas na kinakain ng mga kapos sa buhay ay bubuwisan, tiyak na mga mahihirap ang unang tatamaan sa Asin Tax.
Hinikayat din nito ang DOH na palawakin ang kanilang information campaign tungkol sa tamang pagkain na pakikinabangan ng lahat ng income groups sa halip na isulong ang pagpapataw ng buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.