Paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar sa Pasay City, ipinagbawal na

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2019 - 10:12 AM

Ipinagbawal na ng City Government ng Pasay ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa ilalim ng City Ordinance 6061 ipatutupad ang pagbabawal sa paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar para maprotektahan ang publiko lalo na ang mga kabataan.

Sa ilalim ng ordinansa, bawal na ang e-cigarettes sa indoors kabilang ang workplaces, hospitals, healthcare centers, government offices, educational facilities, at recreational facilities.

Ang mga enclosed areas na bukas sa publiko, papayagan ang paggamit ng vape depende sa diskresyon ng may-ari ng pasilidad.

Bawal din sa ordinansa ang pagbebenta ng e-cigarette sa mga menor de edad.

Ang lalabag ay maaring mapatawan ng multa na P1,000 hanggang 4,000 o magsagawa ng 12 hanggang 24 na oras na community service.

TAGS: City Ordinance 6061, e-cigarettes, Health, Pasay City, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, vape, City Ordinance 6061, e-cigarettes, Health, Pasay City, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.