“Singles’ Day” sales ng Alibaba nakapagtala ng ¥91.2B na kita

November 11, 2019 - 09:40 AM

Nakapagtala ng 91.2 bilyong yuan na kita ang taunang Singles’ Day sales ng Alibaba, ang nangunguna sa online shopping industry.

Mas mataas ito ng 32% kumpara noong isang taon na umabot lamang ng 69 bilyong yuan.

Ito ang unang Singles’ Day na wala na ang co-founder ng Alibaba na si Jack Ma na nagbitiw noong Setyembre bilang chairman ng kompanya.

Kilala rin ang promo sale bilang “Double Eleven” na hango sa petsa ng kalendaryo na 11/11.

Gayunman, ang nasabing kita ay maituturing na pinakamababa sa loob ng 10-taon ng naturang shopping blitz ng Alibaba.

TAGS: 11-11 sale, Alibaba, BUsiness, PH news, Philippine breaking news, Singles’ Day, Tagalog breaking news, tagalog news website, 11-11 sale, Alibaba, BUsiness, PH news, Philippine breaking news, Singles’ Day, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.