Mga kontrabadong nakumpiska sa Bilibid winasak at sinunog
Sinira at sinunog ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga nakumpiskang kontrabando sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ang mga kontrabando na kinabibilangan ng gadgets, deadly weapons, tobacco sticks, CDs, DVDs, at adult magazines ay nakumpiska sa isang linggong demolisyon na ginawa sa mga ilegal na istraktura sa maximum security compound.
Ayon sa BuCor ang bloke-bloke ng tobacco sticks na nakumpiska ay tinatayang aabot sa P4,000 ang halaga kada bloke.
Pinangunahan ni BuCor chief Director General Gerald Bantag ang pagsira sa mga nakumpiskang kontrabando.
Pinadaanan ng pison ang mga nakumpiskang CDs Symbolic ang pag-pison sa mga CDs, DVDs, at mga gadget.
Ang mga nakumpiska naman na sigarilyo at tabako ay sinunog.
Sa idinaos na flag-ceremony ng BuCor, nagbabala si Bantag sa mga tauhan ng ahensya na masisibak sila sa pwesto kapag hindi nakipagtulungan sa ipinatutupad na reporma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.