Palanan, Isabela niyanig ng magnitude 4.4
By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2019 - 08:50 AM
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bayan ng Palanan sa lalawigan ng Isabela.
Naitala ang pagyanig sa layong 31 kilometers southeast ng Palanan alas 8:28 ng umaga ng Lunes, Nov. 11.
May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity II sa Palanan bunsod ng pagyanig.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.