Sa datos ng Department of Health (DOH) mula October 13 hanggang 19, nakapagtala lamang 5,927 na bagong kaso ng dengue – mas mababa kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon na umabot sa 7,656 cases.
Nabawasan din ang bilang ng mga nasawi na umabot lang sa 20 kumpara sa 40 nakaraang taon.
Pero ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo sa kabila ng pagbaba ng kaso ng dengue noong Oktubre hindi pa rin dapat paka-kampante ang publiko.
Kailangan aniyang maging maingat pa rin at ituloy ang pagsasagawa ng aktibidad para sa dengue prevention.
Mula January 1, 2019 hanggang Ocotober 19, 2019, nakapagtala na ng 371,717 na kaso ng dengue sa bansa. 1,407 naman ang nasawi.
Higit doble ito kumpara sa naitalang kaso noong 2018 na 180,072 cases at 927 ang nasawi.