Mayor Nasser Pangandaman Jr. ng Maisu, Lanao del Sur nakaligtas sa ambush; police escort at 2 sibilyan ang sugatan

By Jimmy Tamayo November 11, 2019 - 06:44 AM

Nakaligtas si Masiu, Lanao del Sur Mayor Nasser Pangandaman Jr. makaraang tambangan sa bayan ng Buadipuso Buntong sa Lanao del Sur.

Sa ulat ng Provincial Police Office, galing ng Marawi City ang alkalde at patungo sa kanyang tanggapan ng pagbabarilin ng armadong kalalakihan ang kanyang convoy bandang alas-10:00 Linggo ng umaga.

Gayunman, sugatan ang tatlong escort ni Pangandaman kabilang ang isang pulis at dalawang sibilyan na lulan ng hiwalay na sasakyan.

Kinilala ang nasugsatang pulis na si Staff Sgt. Jabbar Romato na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tiyan habang ang dalawang kasama nitong sibilyan ay sina Jamal Gabriel Pangandaman na tinamaan ng bala sa tuhod at si Casanoding Mangandog na tinamaan sa may puwitan.

Ang tatlong nasugatan ay naka-confine sa Amai Pakpak Medical Center.

Nakatakda sana pulungin ni Mayor Pangandaman ang Municipal Peace and Order Council nang mangyari ang pananambang.

TAGS: ambush, Lanao Del Sur, marawi, Nasser Pangadaman Jr, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Lanao Del Sur, marawi, Nasser Pangadaman Jr, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.