Ito ay ilang linggo matapos ang October 20 elections kung saan siya nanalo.
Ayon kay Morales, ang kaniyang pagbibitiw ay upang mapigilan ang kaguluhan bunsod ng mga protesta sa kaniyang pagkakapanalo.
Una rito, nanawahan ang Organization of American States na magdaos muli ng presidential elections sa Bolivia.
Nauna na ring nagbitiw sa pwesto ang pinuno ng Supreme Electoral Tribunal ng Bolivia matapos matukoy na nagkaroon ng iregularidad sa halalan.
MOST READ
LATEST STORIES