Tinapyas na pondo para sa RH programs, mapupunan pa rin ng DOH

By Kathleen Betina Aenlle January 18, 2016 - 01:57 AM

garinMagre-recycle na lamang ng pondo ang Department of Health (DOH) para mapunan ang tinapyas na pondo para sa Reproductive Health (RH) program ng kagawaran.

Sa ganitong paraan tiniyak ni Health Sec. Janette Garin na hindi ika-didiskaril ng RH program ng gobyernoanga tinapyas na P1 bilyon sa pondo ng DOH para sa taong ito.

Ayon kay Garin, mayroon pang P490 milyong pondo na nakalaan para sa ibang programa ang maaring ilipat at idagdag sa RH program.

Ani pa Garin, may nakuha pang P332 milyon ang DOH mula sa alokasyon noong nakaraang taon para sa medical aparatus at P52.4 milyon rin mula sa pondong nakalaan para sa mga training programs na pawang mga hindi nagamit.

Ngayon, ang tanging ipinag-aalala na lamang ni Garin ay kung paano sila makakasigurong mabibigyan na ng Kongreso ng mas sapat na pondo ang RH sa 2017 budget.

Matatandaang P1.086 bilyon ang unang ipinanukalang pondo ng DOH para sa Rh programs na naging P86 milyon na lamang matapos itong tapyasan ng Kongreso.

Ilalaan sana ang perang ito para sa pagbili ng mga family planning commodities tulad ng mga condoms, IUDs at iba pang contraceptives.

TAGS: department of health, reproductive health programs, sec janette garin, department of health, reproductive health programs, sec janette garin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.