Dagdag-bawas sa ilang produktong petrolyo, ipatutupad sa Martes

Nag-anunsiyo na ang ilang kumpanya ng langis hinggil sa dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng iba’t ibang kumpanya, may bawas na P0.15 sa kada litro ng diesel.

Sa gasolina, tataas ng P0.85 sa kada litro ang Petron, Caltex, Phoenix Petroleum Philippines at Cleanfuel habang P0.80 naman sa Shell at Petro Gazz.

Sa kerosene o gaas, may bawas na P0.10 kada litro ang Caltex at Petron habang P0.15 naman sa Shell.

Mauunang magpatupad ng oil price adjustement ang ang Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (November 12).

Susunod ang Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz, Shell at Petron bandang 6:00, Martes ng umaga (November 12).

Epektibo naman ang dagdag-bawas sa Cleanfuel bandang 12:01, Miyerkules ng madaling-araw (November 13).

Read more...