Palasyo, nakiramay sa pagpanaw ni John Gokongwei Jr.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pamilyang naulila ng business tycoon na si John Gokongwei Jr.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kinikilala ng taong bayan ang kwento ng buhay ni Gokongwei kung paano nagsimula at naging matagumpay na negosyante.
Isa rin aniyang generous philantropist si Gokongwei na aktibo sa mga kawang gawa.
Sinabi pa ni Panelo na si Gokongwei ang isang katangi-tanging halimbawa ng isang Filipino na naging masipag, disiplinado at naging pursigido kung kaya umunlad sa buhay.
“Mr. Gokongwei was an exceptional and ideal Filipino. He exemplifies the traits that should endow us: industrious, disciplined, indefatigable, creative, generous, always hungry for knowledge, grateful and never forgetting his origins, and most of all, a loving person to his family and his country,” pahayag ni Panelo.
Wala pa namang abiso ang Palasyo kung dadalaw ang pangulo sa burol ni Gokongwei.
Nakaratay ang mga labi ni Gokongwei sa Heritage Park sa Taguig City.
Base sa Forbes Magazine sa taong 2019, Si Gokongwei ang pinakamayamang tao sa Pilipinas na mayroong yaman na 5.3 bilyong dolyar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.