WATCH: Palasyo, hindi nababahala sakaling gamitin ni VP Robredo ang intel reports vs Pangulong Duterte sa ICC
Hindi nababahala ang Palasyo ng Malakanyang kung sasamantalahin ni Vice President Leni Robredo ang mga mahahawakang intelligence report kaugnay sa war on drugs para gawing supplemental document sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na wala namang itinatago ang gobyerno sa mga record at nakabukas naman ito sa publiko.
“Unang-una, wala namang itinatago ang gobyerno sa mga record, nakabukas naman ‘yan. ‘Yung intelligence report na sinasabi, wala rin masama dun dahil pag sinabi mong intelligenece report, sino ang mga involved sa droga ang nandoon at iyon naman ang sinusundan ng laban ng ahensya. So anong masama naman doon?” pahayag ni Panelo.
Bukas din aniya ang Palasyo sa balak ni Robredo na makipag-ugnayan sa United States Embassy at sa United Nations para sa intelligence gatherings.
Mas makabubuting bigyan muna aniya ng tsansa si Robredo na makagawa ng sariling diskarte.
“Hayaan natin si VP Leni as the drug czar na gumawa ng kanyang diskarte. Hindi pupwede kasi yung maraming mga quarter backers, maraming netpickers, maraming haka-haka, maraming mga espekulasyon. Hayaan muna natin na magtrabaho ‘yung ale. Pabayaan natin, suportahan natin, hindi ‘yung kung anu-ano ang naiisip natin na baka ‘di magtagumpay. Baka yung Palasyo ganito, baka ‘yung ganyan. Binibigyan natin ng mga roadblocks. Let us wish her well and let us support her. Yun ang pinili ng tao.” ayon pa kay Panelo.
Narito ang ulat ni Chona Yu:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.