WATCH: Pangulong Duterte, suportado ang panukalang pag-ban sa paggamit ng plastic – Malakanyang

By Chona Yu November 10, 2019 - 03:45 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na buo ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ihahaing panukalang batas sa Kongreso na magbabawal ng paggamit ng plastic.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi kataka-taka kung mabilis na maipapasa ang panukalang batas na i-ban ang single use plastic products sa bansa.

“The president has floated that idea and its for the members of Congress to adapt it, to use their initiative to have that kind of idea bear fruition. Tingnan natin kung merong miyembro ng Kongreso o Senado na magpausad ng ganyang idea. Dahil suportado na ni Presidente, eh di hindi kataka-taka,” ani Panelo.

Hindi inaalis ni Panelo ang posibilidad na maaring i-certify na urgent bill ang pagbabawal ng plastic.

Una rito, sinabi ng pangulo sa cabinet meeting na balak niyang ipagbawal ang paggamit ng plastic sa bansa dahil sa problema sa climate change.

Sa ngayon, nakabinbin pa sa Senado ang Senate Bill 333 ni Senador Cynthia Villar na naglalayong i-regulate ang manufacturing, importation at paggamit ng singe use plastic products sa bansa.

Narito ang ulat ni Chona Yu:

TAGS: 18th congress, ban sa plastic, Palasyo ng Malakanyang, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, Senado, 18th congress, ban sa plastic, Palasyo ng Malakanyang, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.