Ilang lugar sa Luzon, uulanin ngayong hapon

By Angellic Jordan November 10, 2019 - 03:02 PM

PAGASA photo

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:40 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na posibleng may kidlat at malakas na hangin sa Cavite, Laguna at Batangas.

Mararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Apektado rin nito ang Quezon province partikular ang San Narciso.

Pinayuhan ang mga residente sa nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Batangas, cavite, laguna, Pagasa, thunderstorm advisory, Batangas, cavite, laguna, Pagasa, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.