Malakanyang, hindi makikialam sa trabaho ng Ombudsman
Hindi makikiaalam ang Palasyo ng Malakanyang sa trabaho ng Office of the Ombudsman.
Pahayag ito ng Palasyo matapos humirit ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Ombudsman na buksang muli ang Mamasapano case na ikinasawi ng 44 na kagawad ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015 dahil may bagong ebidensya laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na idinadawit sa kasong homicide.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na dapat na manaig ang rule of law.
Hindi aniya naging ugali ng sangay ng ehekutibo na pakialaman ang trabaho ng sangay ng hudikatura na isang co-equal branch ng gobyerno.
“We will not interfere with a co-equal branch of government as well as constitutional bodies. Let the rule of law prevail. Kung ano ang batas yun ang sundin natin,” pahayag ni Panelo.
Nahaharap din si Aquino sa kasong graft at usurpation of authority dahil sa umano’y palpak na operasyon sa Mamasapano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.