Isang notoryus na tulak ng droga, timbog sa Albay

By Angellic Jordan November 10, 2019 - 02:42 PM

Inquirer file photo

Timbog ang isang hinihinalang notoryus na tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Daraga, Albay Sabado ng umaga.

Ayon kay Capt. Dexter Panganiban, tagapagsalita ng Albay police, nahuli ang suspek na si Darwin Ravalo matapos positibong makabili ng shabu ang isang pulis na poseur buyer sa Barangay Sagpon bandang 10:35 ng umaga.

Si Ravalo ay ikinokonsidera bilang number 2 high value target sa nasabing probinsya.

Nakuha sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P70,000 at caliber 38 na baril na kargado ng limang bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Albay, Albay police, Barangay Sagpon, buy bust operation, Capt. Dexter Panganiban, Daraga, Darwin Ravalo, shabu, Albay, Albay police, Barangay Sagpon, buy bust operation, Capt. Dexter Panganiban, Daraga, Darwin Ravalo, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.