Laban ng Pilipinas kontra China, mas mapapalakas ng US – Carpio

By Kathleen Betina Aenlle January 18, 2016 - 01:51 AM

Antonio-Carpio-0929Naniniwala si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na makakatulong ang presensya ng US military para maipag-tanggol ng Pilipinas ang mga teritoryong inaagaw ng China sa West Philippine Sea.

Ito ang naging basehan ni Carpio sa kaniyang pag-boto na pagtibayin ang ligalidad o constitutionality ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ang Pilipinas ng mas malakas na laban kontra sa pananakop ng China sa mga teritoryong pilit nitong inaangkin.

Sinabi pa ni Carpio sa kaniyang hiwalay na opinyon sa ruling ng Supreme Court sa EDCA, magsisilbing ngipin ng matagal nang alyansa sa pagitan ng US at Pilipinas ang mga probisyon nito.

Partikular na tinukoy ni Carpio ang probisyong nagbibigay daan sa US na mag-pwesto ng kanilang mga kagamitang pang-gyera sa mga base militar sa Pilipinas, lalo pa’t ngayon ito pinaka-kailangan ng bansa.

Dahil aniya dito, mag-aalinlangan muna ang China bago nito atakihin ang mga barko ng Pilipinas na naghahatid ng mga supplies sa ating militar na nagbabantay sa Spratlys.

Ito rin ani Carpio ang makakapagpatigil sa China para puntiryahin ang mga bangkang pang-patrulya ng Pilipinas sa Wst Philippine Sea na napapaloob sa 370-kilometer exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Bilang kakampi natin sa depensa, tanging ang US lang aniya ang makaka-daig sa paninindak ng China.

TAGS: associate justice antonio carpio, Enhanced Defense Cooperation Agreement, West Philippine Sea, associate justice antonio carpio, Enhanced Defense Cooperation Agreement, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.