Umabot na sa mahigit 10,000 pamilya o mahigit 63,000 na mga residente ang naapektuhan ng pagbaha at landslides sa Cagayan sa gitna ng masamang panahon.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, ang mga apektadong residente ay mula sa 155 barangay sa 14 na bayan.
Apat sa mga nasawi ay mula sa Barangay Imurung sa bayan ng Baggao.
Kilala ang mga biktima na sina Bagga Eljhay Dallego, 10 anyos, Augusto Jamon, 36 anyos, Jeremiah Saring, 14 anyos at Ariel Agustin Versola, 32 anyos.
Natagpuan naman Sabado ng umaga ang bangkay ni Cesar Ballad na residente ng Barangay Parabba sa Peñablanca.
Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay dala ng pag-uulan sanhi ng Severe Tropical Storm Quiel.
Mahigit 9,000 pamilya o mahigit 39,000 na katao ang nasa 84 evacuation centers habang ang iba ay nanatili sa kanilang mga bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.