Partikular na apela ng Palasyo, hayaan ang pangalawang pangulo na magawa ang itinalangang tungkulin sa kanya bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat bigyan si Robredo ng “space” at huwag harangan ang hakbang nito sa kampanya laban sa iligal na droga.
“We call on everybody to give VP Leni space, allow her to perform her assigned task and not to create roadblocks and imagined conflicts, pitting her against her fellow workers of government by way of intrigues, as well as wild and off-tangent speculations engineered by the usual suspects,” ani Panelo.
Dagdag ng kalihim, dapat bigyan ang bise presidente ng malawak na paraan para sa mga gagawin nito para maresolba ang problema sa droga sa bansa.
Masaya anya ang Malakanyang na bukas si Robredo sa kanilang mungkahi na sumama ito sa anti-drugs operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Matapos ang pulong ng ICAD ay tinanggap ni Robredo ang hamon ni PDEA chief Director General Aaron Aquino na sumama ito sa operasyon ng ahensya para makita nito ang aktuwal na paglaban ng otoridad sa droga.