BREAKING: Sunog, sumiklab sa gusali ng Summit One Tower sa Mandaluyong City

By Marlene Padiernos November 09, 2019 - 07:20 PM SHARE(S):
CONTRIBUTED PHOTO

Isang sunog ang sumiklab sa isang palapag ng gusali ng Summit One Tower sa Brgy. WackWack, Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sa isang concerned citizen na kasalukuyang nasa ika-33 palapag ng nasabing gusali ng mga oras na sumiklab ang sunog, bandang 6:40 Sabado ng gabi nang magsimula ang apoy sa ika-17 palapag nito.

Ayon naman sa datos ng Mandaluyong Fire Bureau, hinihinalang isang aircon na nag overheat ang naging sanhi ng insidente.

Naideklara namang fireout ang naturang gusali bandang alas-7:11 ng gabi.

Sa ngayon ay wala pa namang naiulat na nasaktan sa nangyari.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa lugar na pinangyarihan ng sunog.

I-refresh lamang ang page na ito para sa mga update.

TAGS: 17th floor, Summit One Tower, sunog, 17th floor, Summit One Tower, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.