P90M realty tax hahabulin ng Iloilo City sa isang electric cooperative
Panibagong reklamo ang kahaharapin ng Panay Electric Company(PECO) dahil sa pagooperate nang walang business license at hindi pagbabayad ng P90M real estate tax.
Ayon kay Norman Tabud ng Iloilo City Business Permits and Licensing Office (BPLO) nilalabag ng PECO ang Tax Revenue Code dahil sa pagooperate ng walang pinanghahawakang business permit.
Ang hindi pagtalima sa tax obligations ay paglabag din sa temporary Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) na inisyu ng Energy Regulatory Commission(ERC) sa PECO.
Malinaw na nakasaad sa CPCN na dapat tumalima ang mga distribution utilities sa lahat ng legal requirements para makapagoperate ng negosyo sa isang lugar kaya ang hindi pagbabayad ng tax ng PECO ay maaaring maging basehan ng kanselasyon ng kanilang CPCN.
Ang pagkansela ng CPCN ng PECO ay kasalukuyang dinidinig ng ERC matapos ireklamo ang palpak nitong serbisyo.
Ang CPCN ay inisyu ng ERC sa PECO upang maituloy ang operasyon nito kahit na wala nang hawak na prangkisa matapos hindi ito irenew ng Kongreso.
Dalawang taon ang bisa ng CPCN na syang panahon ng transition period na paglilipat ng distribution assets ng PECO patungo sa More Electric and Power Corp(MEPC) na syang binigyan ng Kongreso ng legislative franchise na maging solong distribution utility sa Iloilo City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.