Lucio “Bong” Tan Jr. nag-collapsed sa gitna ng basketball game

By Den Macaranas November 09, 2019 - 03:26 PM SHARE(S):

Isinugod sa ospital si Lucio ‘Bong’ Tan Jr.,anak ng bilyonaryong negosyante na si Lucio Tan ng Philippine Airlines.

Ayon sa mga paunang report, nag-collapsed umano ang nakababatang Tan habang nasa isang basketball game sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.

Wala umanong malay si Tan ng dumating sa emergency room ng Cardinal Santos Memorial Medical Center.

Kamakailan lang ay hinirang si Tan bilang bagong president of PAL Holdings president kapalit ni Gilbert Santa Maria na nanatili naman bilang pangulo ng nasabing airline company.

Sa kabilang ng kanyang pagiging abala sa mga negosyo ay hindi pa rin binibitawan ni Tan ang coaching job sa UE Red Warriors sa UAAP.

TAGS: bong tan, BUsiness, PAL, pal holdings, ue, bong tan, BUsiness, PAL, pal holdings, ue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.