SLEX Filinvest Southbound Exit, pansamantalang isasara sa mga motorista

By Marlene Padiernos November 09, 2019 - 03:14 PM SHARE(S):

Pansamantalang isasara sa mga motorista ang bahagi ng Filinvest Southbound Exit ng South Luzon Expressway (SLEX).

Sa abiso na inilabas ng pamunuan ng Manila Toll Expressway Systems, Inc., nakatakdang isara ang naturang kalsada ganap na alas-10 ng gabi araw ng Sabado, Nov. 9, hanggang alas-2 ng hapon, araw ng Linggo, Nov. 10.

Pinayuhan ang mga motoristang patungo sa Alabang/Filinvest na dumaan sa Bunye-South Station Exit bilang Alternative Route.

Ang naturang pagsasara ng kalsada ay dahil sa isasagawang preventive maintenance sa lugar.

Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga naturang oras at araw sa lugar.

TAGS: Alabang/Filinvest, Bunye-south Station Exit, INC, Manila Toll Expressway Systems, SLEX Filinvest Southbound Exit, Alabang/Filinvest, Bunye-south Station Exit, INC, Manila Toll Expressway Systems, SLEX Filinvest Southbound Exit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.