Dalawa na ang naitalang patay at pinangangambahang tumaas pa ang bilang sa bushfires sa silangang bahagi ng Australia.
Ayon kay New South Wales premier Gladys Berejiklian may pitong tao pa ang nawawala habang patuloy na inaapula ang sunog na nagsimula araw ng biyernes.
Sa impormasyon ng kanilang fire department nasa 100 mga bahay ang napinsala ng sunog at nasa 30 ang nasaktan na karamihan ay mga bumbero.
Nasa 100 bushfires ang naitala sa New South Wales at Queensland bagamat nasa lima lamang sa mga ito ang maituturing na mapanganib.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.