4 na tindahan ng lechon ipinasara sa Carcar City

By Jimmy Tamayo November 09, 2019 - 12:55 PM

Pinasara ng lokal na pamahalaan ng Carcar City ang apat na tindahan ng lechon sa loob ng kanilang palengke.

Iniutos ni Mayor Mercedita Apura ang pagpapasara sa nasabing mga pwesto kasunod ng kabi-kabilang reklamo kabilang ang kalinisan at pandaraya sa timbangan.

Kinilala ang may-ari ng naturang mga pwesto na nasa Carcar City Public Market sina Mercy Roel, Loreta Camanero, Honeylette Navaja at Arlene Manreal.

Ilan sa mga natuklasang paglabag ng ipinasarang tindahan ang kawalan ng mayor’s permit, sanitary permit, madayang timbangan at pagtitinda ng mga leftovers o tirang karne at reheated lechon.

Kasabay nito, iniutos ng alkalde ang pagsusuri sa iba pang tindahan ng lechon at pagtiyak na mayroong mayor’s permit ang mga ito.

TAGS: Carcar City, Carcar City Public Market, Mayor Mercedita Apura, Carcar City, Carcar City Public Market, Mayor Mercedita Apura

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.