Lalaking nakipag-sex sa kapwa lalaki sa Spain nahawaan ng dengue

By Jimmy Tamayo November 09, 2019 - 11:06 AM SHARE(S):
AP

Nakumpirma ng health authorities sa Spain ang kauna-unahang kaso ng dengue na nakuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Ayon kay Susana Jimenez ng public health department sa syudad ng Madrid, isang 41-anyos na lalaki ang nagkaroon ng dengue matapos makipag-sex sa kanyang partner na lalaki na nakuha naman ang dengue virus mula sa kagat ng lamok nang magtungo ito sa bansang Cuba.

Nakumpirma ang pagkakaroon ng dengue ng hindi kinilalang lalaki noong Setyembre at nagtataka ang mga doktor dahil hindi naman ito lumalabas ng bansa.

Sa pagsusuri sa semilya ng dalawan mag-partner dito nakumpirma ang dengue at kapareho ng virus na laganap sa Cuba.

Ang dengue na nakukuha mula sa Aedes Aegypti mosquito ay karaniwang sakit sa bansa na may mainit na klima gaya ng Asia, Africa, Australia maging sa Caribbean at South and Central America.

TAGS: Aedes aegypti, Cuba, Dengue, Mosquito, Aedes aegypti, Cuba, Dengue, Mosquito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.