Typhoon #QuielPH nakalabas na ng bansa

By Rhommel Balasbas November 09, 2019 - 05:38 AM

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Quiel kaninang alas-5:00 ng madaling araw.

Ayon sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 590 kilometro Kanluran ng Coron, Palawan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras.

Mabagal na kumikilos ang Bagyong Quiel sa direksyong pa-Kanluran at tinatahak ngayon ang bansang Vietnam.

Ngayong araw, nakakaapekto pa rin ang Tail-End of a Cold Front sa Northern Luzon.

Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maalinsangang panahon ang mararanasan maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Calayan
• Babuyan
• Cagayan
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• Isabela
• La Union
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Cavite
• western coast ng Batangas
• Occidental Mindoro
• at Palawan

TAGS: #QuielPH, Bagyong Quiel, leaves PAR, PAGASA weather update, Philippine Area of Responsibility (PAR), #QuielPH, Bagyong Quiel, leaves PAR, PAGASA weather update, Philippine Area of Responsibility (PAR)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.