M4.9 na lindol yumanig sa Davao Occidental

By Rhommel Balasbas November 09, 2019 - 04:22 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-3:57 Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 225 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 70 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Malungon, Sarangani.

Dahil nasa katubigan, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

TAGS: aftershocks, Davao Occidental, lindol, magnitude 4.9, phivolcs, Sarangani, aftershocks, Davao Occidental, lindol, magnitude 4.9, phivolcs, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.