No. 1 drug personality sa Novaliches arestado

By Len Montaño November 09, 2019 - 04:13 AM SHARE(S):

Timbog ang pangunahing drug personality sa Novaliches matapos ang buy bust operation sa bahay nito sa Greenheights Subdivision Sabado ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, arestado ang No. 1 drug suspect sa lugar na si Roman Valenzuela, 43 anyos.

Nakabili ang poseur-buyer kay Valenzuela ng P10,000 na halaga ng shabu.

Dahil dito ay agad na inaresto ang suspect na nakuhanan ng 3 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Nakumpiska rin sa suspect ang isang shotgun at mga bala.

Nabatid na nasa drugs watchlist si Valenzuela ay hiwalay na kaso itong may kaugnayan sa droga habang nabasura naman ang dating kaso nitong murder.

 

 

TAGS: buy bust, No. 1 drug suspect, Novaliches, poseur buyer, shabu, shotgun, buy bust, No. 1 drug suspect, Novaliches, poseur buyer, shabu, shotgun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.