DOJ: Iranian beauty queen pinagkalooban ng refugee status

By Rhommel Balasbas November 09, 2019 - 04:07 AM

Ipinagkaloob ng Department of Justice (DOJ) ang refugee status sa Iranian beauty queen na si Bahareh Zare Bahari.

Una nang umapela si Bahari ng ‘asylum’ sa gobyerno ng Pilipinas dahil sa pangambang ikulong at patayin siya sa kanyang bansa.

Isang linggong mahigit na na-hold sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Bahari dahil sa red notice mula International Criminal Police Organization (Interpol) bunsod ng umano’y pananakit niya sa isang kapwa Iranian.

Sa ‘notice of recognition’ na may petsang Nov. 6, 2019, sinabi ng DOJ na kinikilala na ngayon si Bahari bilang isang refugee sa ilalim ng “1951 Convention Relating to the Status of Refugees and its 1967 Protocol”.

Si Bahari ang nagrepresenta sa Iran sa 2018 Miss Intercontinental pageant na naganap sa Maynila at simula taong 2014 ay nag-aaral ng dentistry sa bansa.

Matapos pagkalooban ng refugee status, maaari nang pagkalooban at tatakan ng visa sa passport si Bahari, at mabibigyan din ng alien certification of registration (ACR)-I card nang libre.

Kung sakali namang naisin ng beauty queen na magtrabaho, maaari rin siyang bigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng certification for exemption sa Alien Work Permit.

Samantala, sa isang Facebook post Biyernes ng gabi, sinabi ni Bahari na bagama’t isang matagumpay na hakbang ang ‘refugee status’ nananatiling nanganganibang kanyang buhay.

TAGS: alien certification of registration, Alien Work Permit, Bahareh Zare Bahari, DOJ, DOLE, interpol, NAIA, refugee status, alien certification of registration, Alien Work Permit, Bahareh Zare Bahari, DOJ, DOLE, interpol, NAIA, refugee status

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.