Habang papalapit ang kapaskuhan, pinayagan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga tindero na bumalik sa Divisoria pero nagtakda ito ng mga kundisyon.
Sinabi ni Mayor Isko sa Inquirer na mayroong ilang kundisyon na dapat sundin ng mga tindero.
Dapat anyang may displina ang mga magtitinda sa Divisoria.
Kung hindi anya makakadaan ang mga tao at sasakyan dahil sa pag-okupa ng mga tindero sa malaking bahagi ng kalsada ay gagawin niyang malungkot ang kanilang Pasko.
“If people [and vehicles] cannot] pass because [vendors are occupying] the whole street, I will make their Christmas sad. We gave them the opportunity to sell on the condition that they observe discipline,” pahayag ng alkalde.
Dagdag ni Moreno, dapat na 1 meter by 1 meter lamang ang sukat ng stall ng tindero.
Kapag lumampas anya dito ang mga tindero ay isa itong panloloko sa gobyerno.
Dapat na wala pa ring nagtitinda sa mga pangunahing lansangan sa Divisoria gaya ng Juan Luna Street at Recto Avenue.
Pero sa ngayon ay muling pinayagan ang mga street vendors sa Carmen Planas at Tabora Streets at bahagi ng Ilaya Street malapit sa Moriones.