Robredo: Imbestigasyon ng UN pwede kung bigo ang bansa na parusahan ang pag-abuso sa drug war
Naninidigan si Vice President Leni Robredo na ang problema ng Pilipinas ay isang panloob na bagay na dapat resolbahin ng bansa.
Ang tinutukoy ni Robredo ay ang problema sa iligal na droga.
Gayunman bukas naman ang pangalawang pangulo sa imbestigasyon ng United Nations (UN).
Ito anya ay kung bigo ang bansa na maparusahan ang mga pag-abuso sa drug war.
“I have said this time and again that I feel that our problems should first be solved internally…If I believe the government is not doing anything to punish whoever needs to be punished, or to put to justice whatever needs to be put to justice, then I will have no problems inviting them over,” pahayag ni Robredo kasabay ng pulong ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kung saan siya ang co-chairperson.
Matatandaan na bumoto ang UN Human Rights Council (UNHRC) pabor sa resolusyon ng Iceland na imvestigahan ang mga pagpatay na may kinalaman sad rog sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.