CJ Peralta: Ambush sa Judge sa Ilocos Sur dahil sa mga kaso sa droga
Inihayag ni Chief Justice Diosdado Peralta na may kaugnayan ang pagpatay kay Judge Mario Bañez sa mga kasong may kinalaman sa droga na nakabinbin sa sala nito.
Ayon kay Peralta, maaaring nag-ugat ang ambush kay Bañez sa mga drug cases imbes na sa isyu ng pag-abswelto sa isang aktibista na may hiwalay na kaso.
Inabswelto anya ng hukom ang isang drug lord at nagkaroon ito ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa droga.
Noong nakaraang buwan ay inabswelto ng hukom si Rachel Mariano, coordinator ng Community Health Service and Training sa Cordillera Region at umanoy ang utak ng pagpatay sa mga sundalo.
Pero sinabi ni CJ Peralta na hindi ang pagpatay kay Mariano ang dahilan at naka-sentro anya ngayon ang imbestigasyon sa pagbasura sa isang drug case habang ang isa pang kaso ay nakatakdang na ma-terminate.
Inilutang din ni Peralta ang panukalang magkaroon ang Korte Suprema ng authority para imbestigahan ang pagpatay sa mga tauhan ng korte at kasuhan ang mga gumawa ng krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.