Patunay ng bakuna kontra polio ng mga biyahero inobliga na ng 19 bansa
Labing-siyam na bansa na ang nag-oobliga sa mga bibiyahe na magkaroon ng certificate ng bakuna kontra sa sakit na polio.
Nagpaalala rin ang Bureau of Quarantine (BOQ) na kailangang apat na buwan bago ang petsa ng biyahe ay nagpabakuna na laban sa polio.
Dapat na nakalagay ang kumpletong detalye sa kasulatan na nagpapatunay ng polio vaccination.
Requirement na ang International Certificate of Vaccination (ICV) sa sumusunod na mga bansa:
Afghanistan
Belize
Brunei
Georgia
India
Indonesia
Iran
Iraq
Jordan
Lebanon
Maldives
Morocco
Oman
Pakistan
Qatar
Saint Kitts and Nevis
Saudi Arabia
Seychelles
Ukraine
Pwedeng magpabakuna kontra polio sa naturang ahensya gayundin sa mga pribadong ospital pero may bayad na P300 para sa ICV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.