PDEA chief tutol na tanggalin ang Oplan Tokhang

By Len Montaño November 09, 2019 - 12:02 AM

Photo by Gabriel Pabico Lalu/ INQUIRER.net

Nanindigan si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na hindi dapat tanggalin ang Oplan Tokhang alinsunod sa drug war ng gobyerno.

Ayon kay Aquino, hindi kailangang tanggalin ang Tokhang dahil isa lamang itong paraan para himukin ang mga drug personalities na sumuko.

Gayunman aminado ang PDEA chief na dapat pagbutihin ang kampanya laban sa iligal na droga.

Katwiran ni Aquino, mabuti ang naturang kampanya pero napasama lamang ang kahulugan nito.

“But the meaning is being distorted…What might just be needed is a reassessment in the PNP about how to fix or improve their operations,” ani Aquino.

Pahayag ito ni Aquino kasunod ng sinabi ng itinalagang drug czar na si Vice President Leni Robredo na dapat nang alisin ang Oplan Tokhang dahil tila isa itong giyera laban sa mahihirap na sangkot sa droga.

 

TAGS: drug war, Oplan Tokhang, PDEA, PDEA director general Aaron Aquino, tanggalin, tutol, Vice President Leni Robredo, drug war, Oplan Tokhang, PDEA, PDEA director general Aaron Aquino, tanggalin, tutol, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.