Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 535 kilometro Kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyo pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ngayong gabi hanggang bukas ng gabi, magdadala ang Tail-End of a Cold Front ng mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang pag-ulan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao at Ilocos Norte.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga delikadong lugar na mag-ingat sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, nananatiling nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Northern Luzon at western seaborads ng Central at Southern Luzon.