WATCH: VP Robredo, umapela sa lahat ng sangay ng gobyerno na magkaisa vs bawal na gamot

Kuha ni Jomar Piquero

Nagkaroon na ng pulong ang Inter-Agency Committee on Anti-illegal drugs (ICAD) kung saan si Vice President Leni Robredo ay nagsilbi nang co-chairperson.

Sa unang pulong, humirit si Robredo sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na makiisa sa kampanya kontra sa ilegal na droga.

Dumalo rin sa pulong sina DILG Sec. Eduardo Año, PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa at PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino.

Narito ang buong ulat ni Jong Manlapaz:

Read more...