Babae patay matapos masagasaan at makaladkad ng tourist van sa Cebu

By Rose Cabrales November 08, 2019 - 08:32 PM SHARE(S):

Patay ang isang babae matapos masagasaan at makaladkad ng isang tourist van bandang alas-9:30 ng umaga ng Biyernes (November 8) sa National Highway ng Barangay Talisay, Santander, Cebu.

Nakilala ang nasawi na si Dolores Bustillo mula sa Barangay Bunlan, 47 taong gulang.

Nakilala naman ang driver ng van na si Lloyd Sumalinog, 28 taong gulang.

Ayon kay Police Master Sergeant Anthony Aba ng Santander police, bigla umanong tumawid ang biktima kaya nasagasaan ito ng tourist van na patungo sana sa bayan ng Moalboal at may sakay na 10 Chinese tourists.

Ayon pa kay Aba, inamin ni Sumalinog na mabilis ang takbo ng van na pag-aari ng Gcass travel and Tours kaya hindi siya agad nakapreno kung kaya’t nasagasaan ang biglang tumawid na biktima at nakaladkad pa ng tinatayang 60 metro mula sa pinagkabanggaan.

Idineklarang dead on the spot ang biktima.

Hindi naman nasaktan ang driver at ang mga turistang sakay ng van.

Kasalukuyang nakakulong ang driver sa Santander police station na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

TAGS: aksidente, cebu, Dolores Bustillo, Gcass travel and Tours, Lloyd Sumalinog, National Highway ng Barangay Talisay, Santander, tourist van, aksidente, cebu, Dolores Bustillo, Gcass travel and Tours, Lloyd Sumalinog, National Highway ng Barangay Talisay, Santander, tourist van

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.