Mga pumayag na sumailalim sa hazing, isinusulong na maparusahan din

Inihain sa Kamara ang isang panukala na naglalayong maparusahan ang mga fraternity recruits na pumayag na ma-hazing.

Sa House Bill No. 5248, nakasaad na dapat mabigyan din ng parusa ang papayag sa anumang paraan ng hazing.

Paliwanag nito, walang magiging biktima ng hazing kung walang pumapayag na gawin ito sa kanila.

Paliwanag nito, kalaunan ay nananakit na rin ang mga biktima ng hazing kaya nagkakaroon ng cycle ng karahasan at ito ang dapat na mapahinto.

Nakasaad sa panukala ni Nograles na ituturing na mga kasabwat sa hazing ang mga recruits, neophytes, applicants at mga miyembro ng fraternities, sororities at iba pang organisasyon na sadyang makikibahagi sa hazing.

Ibig sabihin, magkakaroon ng dalawang elemento ang pagiging accomplice — ang pumayag na maging biktima at sumailalim sa aktuwal na pagsasagawa ng hazing.

Papayagan namang maging state witnesses ang mga biktima para mabasag ang “conspiracy of silence” sa mga nasa likod ng hazing.

Ang mahahatulan sa pagiging kasabwat sa hazing ay mahaharap sa parusang reclusion temporal o pagkakulong ng mula 12 hanggang 20 taon.

Read more...