Kadete natagpuang patay sa swimming pool ng PMA academy

By Rose Cabrales November 08, 2019 - 07:58 PM SHARE(S):
File Photo

Natagpuang walang buhay sa swimming pool ng PMA academy ang isang kadete, Biyernes ng hapon (Nov. 8).

Nakilala ang nasawi na si Cadet Fourth Class Mario Telan Jr. na kaklase ng nasawing si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.

Ayon kay Capt. Cheryl Tindog, tagapagsalita ng PMA, natagpuan ang bangkay ng kadete sa 15 talampakan na lalim ng swimming pool.

Hinanap umano si Telan ng upper-class cadets matapos ang swimming class na nagsimula alas-11 ng umaga at natapos ng tanghali.

Sinubukan pang i-revive si Telan at dinala pa sa Fort del Pilar Station Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagkamatay ni Telan upang matukoy kung ito ay aksidenteng nalunod.

Dagdag pa ni Tindog, pansamantala ring ipinatigil ang swimming classes ng mga kadete hanggang sa matapos ang imbestigasyon sa insidente.

Matatandaang nasawi sina Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio noong September 18 dahil sa mga pinsalang natamo sa hazing at maltreatment at Cadet Second Class Cedrick Gadia noong October 28 na nasawi naman dahil sa esophageal cancer sa Armed Forces of the Philippines Hospital kung saan siya na-confine.

TAGS: Cadet, Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio, Cadet Fourth Class Mario Telan Jr., Cadet Second Class Cedrick Gadia, nalunod, PMA academy, Swimming, Cadet, Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio, Cadet Fourth Class Mario Telan Jr., Cadet Second Class Cedrick Gadia, nalunod, PMA academy, Swimming

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.