Makilala, Cotabato dalawang beses na niyanig ng malakas na lindol

By Rose Cabrales November 08, 2019 - 06:33 PM

Dalawang beses niyanig ng malakas na lindol ang Makilala, Cotabato.

Unang niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 28 kilometers Southeast ng bayan ng Makilala, alas-6:16 Biyernes ng hapon (November 8 ) at may lalim na 11 kilometers.

Naitala ang intensity 4 sa Makilala, Cotabato at intensity 3 sa Kidapawan City.

Naitala rin ang instrumental intensity 3 sa Kidapawan City.

Sumunod na naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 20 kilometers Southwest ng bayan pa rin ng Makilala, alas-6:18 ng hapon at may lalim na 19 kilometers.

Naitala naman ang intensity 4 sa Makilala, Cotabato.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks ang pagyanig.

TAGS: Cotabato, lindol, Magnitude 3.5, magnitude 4.2, makilala, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Cotabato, lindol, Magnitude 3.5, magnitude 4.2, makilala, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.