Bagyong Quiel lumakas pa isa nang typhoon ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 05:43 PM

Lalo pang lumakas ang bagyong Quiel at ngayon ay nasa typhoon category na.

Alas 2:00 ng hapon nang maabot ng bagyo ang typhoon category.

Sa 5pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 430 kilometers West ong Coron, Palawan.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa
120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong Southwest.

Ngayong araw hanggang bukas ng tanghali ang Typhoon Quiel ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao at Ilocos Norte.

Mahina hanggang katamtaman na pag-ulan naman ang mararanasan sa Mindoro Provinces, Palawan, at Western Visayas.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.

TAGS: Bagyong Quiel lumakas pa, Pagasa, Typhoon, Bagyong Quiel lumakas pa, Pagasa, Typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.