Bilang ng nasawi sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa Cagayan umakyat na sa 4

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 05:45 PM

Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa nararanasang patuloy na pag-ulan at pagbaha sa maraming mga bayan sa Cagayan.

Sa Situation Report ng Cagayan Provincial Office, maliban sa apat na nasawi ay mayroon pang 1 nawawala.

Aabot sa 5,433 na pamilya ang naapektuhan o katumbas ng 22,062 na indibidwal sa 11 munisipalidad sa Cagayan.

Sa ngayon nasa 7,328 na pamilya mula sa 62 barangay na naapektuhan ang nananatili sa 67 evacuation centers.

Bago pa man pumasok sa bansa nag bagyong Quiel ay inuulan na ang maraming bayan sa Cagyaan dahil sa Amihan at tail end ng cold front.

TAGS: bilang ng nasawi, Cagayan Provincial Office, pag-ulan at pagbaha sa Cagayan, Umakyat na sa apat, bilang ng nasawi, Cagayan Provincial Office, pag-ulan at pagbaha sa Cagayan, Umakyat na sa apat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.