Buong lalawigan ng Cagayan isinailalim na sa state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cagayan bunsod ng nararanasang malawakang pagbaha partikular sa northern municipalities ng probinsya dulot ng Bagyong Quiel at walang tigil na pag-ulan.

Ginawa ang deklarasyon matapos ang special session na isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Biyernes, Nobyembre 8.

Ang deklarasyon ay bunsod na rin ng kahilingan ni Gov. Manuel Mamba sa Provincial Board na agarang isinailalim sa state of calamity ang Cagayan dahil sa nararanasang malawakang pagbaha dulot ng walang puknat na buhos ng ulan sa mga bayan ng Sta Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri, Gonzaga, Sta. Ana at Baggao.

Matinding pinsala na ang naidulot ng pagbaha sa sektor ng agrikultura, imprastraktura at iba pa.

Read more...