Buong lalawigan ng Cagayan isinailalim na sa state of calamity

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 06:00 PM

Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cagayan bunsod ng nararanasang malawakang pagbaha partikular sa northern municipalities ng probinsya dulot ng Bagyong Quiel at walang tigil na pag-ulan.

Ginawa ang deklarasyon matapos ang special session na isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Biyernes, Nobyembre 8.

Ang deklarasyon ay bunsod na rin ng kahilingan ni Gov. Manuel Mamba sa Provincial Board na agarang isinailalim sa state of calamity ang Cagayan dahil sa nararanasang malawakang pagbaha dulot ng walang puknat na buhos ng ulan sa mga bayan ng Sta Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri, Gonzaga, Sta. Ana at Baggao.

Matinding pinsala na ang naidulot ng pagbaha sa sektor ng agrikultura, imprastraktura at iba pa.

TAGS: Bagyong Quiel at walang tigil na pag-ulan., Buong lalawigan ng Cagayan, State of Calamity, Bagyong Quiel at walang tigil na pag-ulan., Buong lalawigan ng Cagayan, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.