Airline companies pinasusunod sa 20% discount sa pamasahe ng mga estudyante
Umapela si Senator Grace Poe sa lahat ng mga local airline companies na magbigay ng 20 porsiyentong diskuwento sa pasahe sa mga estudyante.
Kasabay ito nang pagpapalabas na ng Civil Aeronautics Board ng implementing rules and regulations o IRR ng RA 11214 o ang Student Fare Discount Act na naging epektibo noong nakaraang Nobyembre 1.
Nakasaad sa bagong batas ang pagbibigay ng 20 porsiyentong diskuwento sa pasahe ng mga estudyante sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon – sa tren, eroplano, barko, taxi, tricycle, at jeep.
Ibibigay din ang diskuwento maging sa mga araw na walang pasok sa eskuwelahan.
Katuwiran ni Poe, na isa mga may-akda ng batas, ang matitipid sa pasahe ay maaring ipambili ng pagkain o gamit pang-eskuwela.
Hindi naman maaring humingi ng diskuwento ang mga post-graduate students at ang mga naka-enroll sa short-term classes.
Hindi naman saklaw ng batas ang promotional fares.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.