Mga ‘balimbing’ hindi dapat payagang kumandidato – Sen. Kiko Pangilinan

By Jan Escosio November 08, 2019 - 04:48 PM

Naghain nng panukala si Senator Francis Pangilinan na layon palakasin ang political party system sa bansa.

Ayon kay Pangilinan layon ng inihain niyang Senate bill 421 o ang Political Party System Act na bigyan ng subsidiya ng gobyerno ang lahat ng mga partido political para magkaroon ng makabuluhang plataporma at agenda, political identity at internal democratic structure.

Aniya dapat ay nagkakasundo sa kanilang mga adbokasiya at ideolohiya ang mga miyembro ng partido at maiwasan ang ‘trapo politics.’

Nakasaad din sa panukala ang pagbabawal sa mga ‘balimbing’ na kumandidato sa anuman posisyon at mas maging malinaw ang usaping-pinansiyal sa kampaniya.

Katuwiran ng senador kung nagmumula sa gobyerno ang pondo ng mga partido maari silang hingian ng paliwanag ng mamamayan at tunay na isusulong ng partido ang kapakanan ng lahat.

TAGS: kiko pangilinan, PH news, Philippine breaking news, Political Party System Act, Senate bill 421, Tagalog breaking news, tagalog news website, kiko pangilinan, PH news, Philippine breaking news, Political Party System Act, Senate bill 421, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.